Kabanata 6: Si Basilio

    I. Tauhan

     
Basilio - isang binata na masipag at matiyaga na nag-aaral ng medisina, ang kinupkop ni Kapitan Tiyago, at ang kasintahan ni Juli         








II. Buod

           Ulila at walang kapatid si Basilio ay nabuhay ng mag-isa dahil namatay ang kanyang ina na si Sisa. Napadpad siya sa Maynila pagkatapos niyang tumanggap ng salapai sa hinid niya kilala. Doon ay nagpalaboy-laboy siya sa lansangan. Kinaawaan siya dahil sa kanyang kahabag-habag na anyo. Sa hindi inaasahang pangyayari ginawa siyang alilang walang bayad ni Kapitan Tiyago kapalit ng pagpa-aral niya. Nakaranas siya ng panglait mula sa kanyang kaklase dahil sa kanyang anyo at itsura. Dumaan siya ng matinding sakripisyo sa unibersidad, subalit ng mga ito minabuti niya ang kanyang pag-eskwela at manatiling maging matagumpay sa buhay.

III. Pagsusuring Pangnilalaman

A. Lugar at Panahon

          Ang kabanatang ito ay nangyari sa kagubatan ng San Diego dito inaalala niya ang kanyang alaala at sakripisyo ng naranasan niya sa eskwelahan at sa buhay.

B. Suliranin

        Ang problema sa kabanata na ito ay tingkol sa pamamagitan ng mga kaklase at propesor na nakasalamuha ni Basilio sa eskwelahan.

C. Isyung Panlipunan

        Maitulad ko ang mga pangyayari sa buhay ni Basilio sa mga diskriminasyon na nagaganap sa ating lipunan ngayon. Isang halimbawa ay sa eskwelahan porket sa public ka lang nag-aral ay mahirap na agad at kung private naman ay mayaman. Sa panahon ngayo ganito na ang pag-iisip o "mindset" kumbaga sa mga tao, at hindi lang sa eskwelahan maging sa simbahan, sa iyong tahanan at iba pa. Ang diskriminasyon ay may maraming uri kagaya ng kulay, edad, lahi, at iba pa. Ito ay isang suliranin na hadlang sa pagkamit ng pagkakaisa sa mga kapwa tao.

IV. Aral
   
       Ang aral na makuha mo sa buhay ni Basilio ay dapat lumaban lang tayo sa mga problema ng buhay sa eskwelehan man o personal. Dapat di tayo sumuko sa mga problema at magtiwala lang tayo sa Poong Maykapal. Dapat din tayong marunong makuntento sa mga bagay na mayroon sa iyong buhay.
    
                         

Comments